Nang si Juan, nangibang bayan

Nang si Juan nangibang bayan
Dala ang pangarap umahon sa kahirapan
Sa bansang iniwan wala nang kalutasan
Buhay na kinagisnan wala pa ring kaunlaran

Dumating si Juan sa ibang bayan
Sa akalang makakamtam ang kaginhawaan
Bagkus naging malubha pa ang naging kalagayan
Sa gitnang silangang hirap pala ang mararanasan

Ngunit di nawalan ng pag-asa si Juan
Kesa bumalik sa bayang walang maaasahan
Wala nang ginawa kundi ang mag-iringan
Masa ang ginagamit sa pansariling kapakanan

Kelan ka titigil Juan na mangibang bayan
Manatili na lang sa bayang sinilangan
Kapiling ang pamilya tumulong sa kaunlaran
Ibalik ang Pilipinas perlas ng silangan

Wala ng hihigit pa sa sakripisyo ni Juan
Padalang dolyar para umahon ekonomiya ng bayan
Di alintana mga pulitikong sakim sa kaban ng pamahalaan
Panlinlang sa masa sa susunod na halalan

Gising na kabayang Juan
Sa maling akala sa iyong kalagayan
Bumangon ka na baka ikaw ay maiwan
Sa panibagong bukas kapit bisig tayong makipagsapalaran

Isa lang ako sa mga Pilipinong Juan
Na nangarap mangibang bayan
Hindi dahil ang bayan ko’y iiwan
Kundi ang ipagmalaki lahing pilipino kahit saan maasahan! Posted by Bulatlat

Noel Malicdem is a migrant worker who, in an email message to Bulatlat, said that he is not much of a poet but was prompted to write in Filipino about his ordeal.

© 2005 Bulatlat Alipato Publications

Migrante sa Alberta

Ikaw ba'y
nalulungkot
?
nababagot?
walang makausap?
Inabuso?
naghahanap ng makabuluhang gawain?
Publish Post

At higit sa lahat, nasa bulubunduking Alberta?

Narito na ang Migrante-Alberta!

para sa mga katanungan, mag-email lamang sa migrantealberta@yahoo.com